SSS, iba pang ahensya dapat palakasin ang website computing capacity

SSS

DAPAT umanong palakasin ng Social Security System ang computing capacity nito para hindi bumabagsak ang kanilang sistema kahit na marami ang sabay-sabay na naga-apply ng loan.

Ayon kay Makati City Rep. Luis Campos Jr., ganito rin ang dapat na gamit ng iba pang frontliner service para mapabilis ang pakikipagtransaksyon nito sa publiko.

“With or without the COVID-19 pandemic, the future of public transactions is clearly electronic and online – not over-the-counter in brick-and-mortar agency branches,” ani Campos. “Agencies providing frontline services should upgrade their computer and information systems to meet the rapidly growing public demand for easier and faster online transactions.”

Mahigit isang linggo ng bagsak ang website ng SSS. Bumagsak ito nang dumagsa ang mga naga-apply ng loan.

Sa isang notice sinabi ng SSS: “Please be advised that the SSS website (sss.gov.ph) has been on downtime since April 18, 2020. While we expected higher online traffic due to the launch of the Small Business Wage Subsidy (SBWS), the overwhelming response to this program surpassed the computing capacity of the system.”

Inaasahan din ang pagtaas ng bilang ng mga gumagamit ng website ng Pag-IBIG Fund, Philippine Health Insurance Corp., Government Service Insurance System at Overseas Workers Welfare Administration.

“Dependable round-the-clock online facilities are crucial to delivering uninterrupted services to the public,” dagdag pa ni Campos.

Read more...