HULI, kulong at tinanggal na sa pwesto ang isang barangay tanod na nanloloko sa proseso ng social amelioration card sa Valenzuela City.
Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, may mga nataggap siyang balitang may empleyado ng isang barangay sa Gen. T. de Leon ang nanloloko sa proseso ng SAC.
Ang SAC ay dokumento na sasagutan ng mga mamamayan para matiyak ng Department of Social Welfare and Development kung sila ay pasok sa dapat mabigyan ng ayuda ng gobyerno.
Nagsagawa ng operasyon si Gatchalian sa tulong ng barangay captain para mahuli ang nakilalang isang barangay tanod.
Inabangan namin ang nasabing magaswa.
5. Nahuli natin sila na nakapila sa sac payout
6. Papakulong at kakasuhan
7. Kaya wag na kayo gumaya! Wag lokohin ang processo ng sac! pic.twitter.com/LELqOeDXV6
— Rex (@rex_gatchalian) April 26, 2020
Ayon kay Gatchalian, sa ilalim ng SAC rules ng DSWD, maaari namang mag-fill up ang mga katulad ng nahuli kaya lang inihiwalay daw nito ang application form ng kanyang asawa na hindi pwedeng gawin
Tinanggal na siya sa kanyang position at nahaharap sa kaso.
“So yan na ang taga Gen. T. Na niloko ang sap na process kanina. Kulong, kaso tanggal sa trabaho. Conduct unbecoming. So if gusto niyo tumulad subukan niyo. May space pa sa kulungan para sa mga mapansamantala na katulad niya.” babala ni Gatchalian.
So yan na ang taga Gen. T. Na niloko ang sap na process kanina. Kuong, kaso tanggal sa trabaho. Conduct unbecoming. So if gusto niyo tumulad subukan niyo. May space pa sa kulungan para sa mga mapansamantala na katulad niya. pic.twitter.com/XbX4R0wjut
— Rex (@rex_gatchalian) April 26, 2020