Vice dedma sa bashers ng TikTok video; may pa-tribute sa kapatid na frontliner

VICE GANDA

MUKHANG hindi naman masyadong apektado si Vice Ganda sa pamba-bash ng mga netizens dahil sa kanyang viral TikTok video.

Hanggang ngayon kasi ay wala pang binabanggit ang TV host-comedian tungkol dito. Until now ay dedma lang siya sa mga tumawag sa kanya ng matapobre at feeling “privilege” ngayong may health crisis sa bansa.

Marami kasi ang na-offend at na-turn off sa laman ng kanyang TikTok video kung saan binanatan niya ang mga pasaway na Pinoy na patuloy na lumalabag sa quarantine protocol. Anila, masyado raw anti-poor ang pinagsasabi ni Vice.

May mga nagtanggol naman sa TV host-comedian at sumang-ayon sa punto niya tungkol sa mga mahihirap na Filipino na hanap nang hanap ng ayuda ngayong may COVID-19 pandemic pero hindi naman marunong sumunod sa mga ipinag-uutos ng gobyerno.

Samantala, sa halip na patulan ang pambabatikos sa kanya, binigyan na lang ni Vice ng “tribute” ang kapatid niyang si Dr. Ma.Cristina Viceral, na isang bayaning frontliner na patuloy sa pagbibigay-serbisyo sa mga COVID-19 patients.

Ipinost ni Vice sa Instagram ang litrato ng kapatid na naka-PPE kalakip ang isang emosyonal na mensahe.

“I have always been proud of you. Pero ngayon nakakaiyak ang pagiging proud ko sa’yo. 

“Araw-araw natatakot ako para sa’yo. Pero araw araw mas ipinagmamalaki kita. 

“Mula pa sa pagaaral ng Medisina hanggang ngayon na Doktor ka na ay kitang kita ko ang mga pagsasakripisyo mo,” pahayag ni Vice.

Dugtong pa niya, “Dati sabi mo ang dahilan kaya gusto mong magdoktor kasi gusto mo lang alagaan ang lalamunan at boses ko. Pero ngayon ang mundo na ang inaalagaan mo. Ang galing!

 “Mabuhay ka! Patnubayan ka ng Diyos! Madlang People, siya po ang Ate at kayamanan ko si Dra. Ma.Cristina B. Viceral.”

Read more...