PBA reunion nina Ranidel de Ocampo at coach Louie Alas malabo na

RANIDEL De Ocampo 

BAGO pa man sumikat ang dating Philippine Basketball Association (PBA) star forward na si Ranidel De Ocampo ay hindi siya kilala noong nag-aaral pa ng high school sa Saint Francis of Assisi College.

Pero noon pa man ay nakita na ni Louie Alas, na dating mentor ni De Ocampo sa kanyang high school basketball team at ngayon ay head coach ng Phoenix Fuel Masters sa PBA, ang potensyal ng ngayon ay maituturing na PBA legend.

“He was still very young at that time, but you can see that he has long arms and he’s quick for his height,” sabi ni Alas sa isang istorya na lumabas sa PBA website. “He also has athleticism.”

Subalit umalis si Alas sa St. Francis of Assisi College para tutukan ang kanyang trabaho bilang assistant coach sa Purefoods pero ito ay matapos na hinatid nila ni De Ocampo ang Doves sa dalawang titulo sa National Capital Region Athletic Association (NCRAA).

Magkikita naman sina Alas at De Ocampo sa PBA bagamat bilang miyembro ng magkalabang koponan.

Sinubukan na kausapin ni Alas si De Ocampo, na noon ay nasa Meralco Bolts pa, na lumipat para maglaro sa kanya sa Phoenix.

“Two or three years ago, I asked him if he wanted to play here at Phoenix,” sabi pa ni Alas.

“But of course, I was fully aware that there was little to no chance that the MVP group will give him to us so I guess that was just kind of a joke when I asked him if he wants to play for us.”

Si De Ocampo ay saglit lang naging Fuel Master dahil agad siyang ipinamigay sa Meralco bilang bahagi ng three-team deal kasama ang TNT.

Subalit ang nasabing trade ay nangyari naman bago hawakan ni Alas ang Phoenix.

Naglaro naman si De Ocampo ng kanyang huling tatlong PBA season sa Bolts bago ianunsyo ang kanyang pagreretiro noong Abril 13.

PHOENIX Fuelmasters coach Louie Alas

Read more...