OFW sa galit kay Du30 ide-deport

DOLE

NANGANGANIB na mapauwi ng Pilipinas ang Pinay caregiver sa Taiwan dahil sa kanyang social media posts na bumabatikos kay Pangulong Duterte.

Ani Labor Attache Fidel Macauyag,

layon ng mga post ni Elanel Ordidor na maghasik ng galit sa mga Pilipino sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19.

Sinabi ni Macauyag na binisita nila si Ordidor sa Yunin County noong Lunes at pinaliwanagan ukol sa kanyang mga post sa Facebook.

Aniya, nangako ang caregiver na tatanggalin ang mga videos nito laban kay Duterte matapos sabihan na maaari siyang kasuhan sa Pilipinas at Taiwan.

Ngunit makalipas ang ilang oras ay nag-post ito sa Facebook account ng POLO Taichung na nagpapahayag ng suporta para sa sarili.

Sinabi ni Macauyag na gumagamit ng ibang accounts si Ordidor at bumuo pa ito ng grupo para siraan si Duterte.

Bunga nito, kinausap na ng opisyal ang amo ni Ordidor at ipinaliwanag na nilabag ng caregiver na Republic Act 10175 (Cyber Crime Act).

Read more...