PATULOY na binabatikos ng mga netizens si Vice Ganda dahil sa kanyang viral TikTok video tungkol s mga pasaway na Pinoy ngayong panahon ng health crisis.
Tinawag na “matapobre”, “insensitive” at “privilege” ang TV host-comedian ng ilan niyang followers sa social media matapos mapanood ang TikTok video.
Mapapanood sa nasabing video ang banat ni Vice sa pinaiiral na enhanced community quarantine sa bansa at kung bakit daw na-extend pa ito. Kinanta pa niya ang hit song ng grupong This Band na “Kahit Ayaw Mo Na” pero pinalitan niya ang lyrics nito.
Ani Vice, “Tatayo, lalamon, hihiga na naman ako
“Iisipin na lang panaganip lahat ng ‘to…
“O bakit ba humaba ang quarantine?
“E kasi nga, mga Pinoy, makukulit din
“‘Pag sinabing ‘wag lumabas, maglalabasan
“At pag nagkasakit naman, magsisisihan
“Daling sabihin, ‘penge ng ayuda’
“Pero sumusunod nga po ba?”
Ni-repost ito ng isang netizen sa Twitter at dito nga ito umani ng iba’t ibang reaksiyon. May mga sumang-ayon kay Vice pero marami rin ang nabwisit sa gay comedian. Narito ang ilan sa mga comments ng netizens.
Sabi ni @tjrerk, “Tama naman sya. Yung sa amin nga sa Cebu kaya mas kumalat ang virus kase gumagala ang may virus. Kahit ano pang mass testing dyan eh parin tayong DISIPLINA! Mass testing ka dyan. Masyado nyong sinisisi ang gobyerno pero never nyong sinisi ang sarili nyo na mga pasaway!”
“Tang i***a sinisi mo pa mga tao! Hindi lahat may pribilehiyo kagaya mo na hihiga-kakain lang. Na hindi na kailangan umasa sa serbisyo at ayuda ng gobyerno at mga donasyon to survive sa quarantine na to. Akala ko ba galing ka din sa hirap?”
Comment ni @biancalabraque, “At first I don’t agree with this and would mainly blame the government, but with the news about people receiving ayuda and using it to buy drugs/gamble, people na nag aakyat bahay pa, napakahabang pila ng Starbucks & koko pimentel, etc. I don’t know what to believe anymore.”
Ito naman ang paniniwala ni @_TallThinGuy_, “2 factors why ppl got offended on Vice Ganda’s tiktok.
“1. ‘Daling sabihin pahinging ayuda, pero sumusunod ka po ba’ makes Vice sounds privileged.
“2. The incompetence of our govt. Is also to blame for the ecq not only the ‘pilipinong pasaway’ (that was attacked on the vid).”
Sabi pa ng isang nakapanood ng video, “Pero para isisi yung quarantine extension solely sa sambayanan at yung ayuda as if utang na loob ng mamamayan yung ayuda na binibigay ng gobyerno? di kasi biro yon eh masyado niya pinalabas na kasalanan lahat ng pasaway na mga Pilipino.”
“Amputa pano di hahaba ang quarantine, may mga ganyan mag isip tulad mo. bat di mo i acknowledge yung kapabayaan ng gobyerno na sinasabing habaan yung quarantine para i flatten yung curve pero wala naman steps or process na mabigay to actually flatten it.”
Ani @dvopremiums, “Exactly so sana hindi nya siningle out yung mga filipino tapos apaka harsh pa ng words nya. matapobre.”
“Mga bobo kasi fans ni vice wag na makipagtalo. kuntento na nga sila sa corny jokes at basurang pelikula nya diba. kaya ok lang sa kanila basurang pulitiko. lol.”