500 kahon ng alak kumpiskado sa kagawad

ARESTADO ang barangay kagawad at tatlong iba pa matapos matagpuan ang 500 kahon ng alak sa sinasakyan nilang mga trak sa Sta. Barbara, Iloilo kahapon.

Nahaharap sa patong-patong na kaso sina Joel Saludares, kagawad ng Brgy. Agutayan, at mga kasamang sina Romnick Suamen, Jophil Angelo at Janron Angelo.

Pinara ng mga pulis na nagmamando ng checkpoint ang dalawang Isuzu Elf van.

Nang siyasatin ang laman ng mga van ay bumulaga sa mga pulis ang 500 kahon ng Tanduay Rhum.

Napag-alaman na idedeliber ang mahigit 11,000 bote ng alak sa mga tindahan sa nasabing bayan.

Read more...