TUMATANGGAP na ng mga umuuwing overseas Filipino workers na sasailalim sa 14-araw na quarantine ang We Heal As One Center sa World Trade Center.
Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar mayroong 58 na OFW galing sa Abu Dhabi sa WTC ngayon.
Ngayong araw ay inaasahan naman ang pagdating doon ng 340 repatriates at empleyado ng Department of Foreign Affairs mula sa Maldives.
Ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Health Service Command ang tumitingin sa mga OFW na magku-quarantine sa lugar. Ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) naman ang sasagot sa kanilang pagkain.
“This facility will allow our OFWs to receive closer health monitoring as they complete their isolation period in a safe and comfortable environment. We are very grateful to our partners who fast-tracked the conversion of the World Trade Center into a We Heal As One Center,” saad naman ni Presidential Adviser for Flagship Programs and Projects at BCDA President and CEO Vince Dizon.
Ang WTC ay kayang tumanggap ng 502 pasyente. Mayroong 18 military doctors, 30 nurse at 60 medical aides sa lugar.