Ai Ai ginupitan si mister ala-Park Seo Joon: Pero naging Park Seo Mai! 

DAHIL hindi pa rin makalabas sa kanilang tahanan bunsod ng pinatupad na lockdown, nagdesisyon ang Kapuso actress na si Ai Ai delas Alas na siya na lang ang gugupit sa buhok ng asawang si Gerald Sibayan. 

At dahil idol niya ang Korean actor na si Park Seo Joon, ginaya niya ang haircut nito para sa asawa. 

Aliw ang video na pinost ni Ai Ai sa Instagram habang ginugupitan si Gerald.

Pati ang kanyang followers ay tuwang-tuwa sa naging new look ni Gerald. Pwede na rin daw magpatayo ng barber shop o salon ang Comedy Concert Queen.

Humingi naman ng paumanhin si Ai Ai sa asawa dahil hindi niya nagaya ang iconic haircut ng kanyang idolo. Imbes na ma-achieve ang Park Seo Joon look naging Park Seo Mai cut daw ito.

 Aniya, “Hindi na achieve si PSJ kaya rocker na lang sya. Hahaha. Hahaha napalalim sorry darl hahaha @gerald_sibayan.” 

Thankful at na-appreciate pa rin naman ni Gerald ang binigay na effort ni Ai Ai para sa kanyang haircut. 

Samantala, habang naka-lockdown sa kanilang bahay, pinagkakaabalahan ngayon ni Ai Ai ang pagbe-bake ng iba’t ibang pastries. 

Patok sa fans ang kanyang ube pandesal na marami na ang umoorder at bumibili. 

Katuwang niya ang kanyang pamilya sa pag-bake ng mga ito kaya naman nagpapasalamat si Ai Ai na may extra kita siya kahit naka-quarantine. 

Sa kanyang latest IG post, ipinakita pa ni Ai Ai ang kanyang mga ube pandesal. Caption niya, “Maghapong trabaho ngunit ang aking ngiti ay wagas ang ligaya .. makita ko lang na magaganda ang aking tinapay ay parang nasa langit ang aking pakiramdam.

“Salamat sa aking asawa sa pagtulong sa pag hihiwa ng gramo ng dough, sa aking panganay sa pag mamasa @sanchovito, sa aking daughter in law sa pag lalagay ng cheese at ube @shannamayy at pagkuha na magandang pics.

“Sa aking future son in law sa pag hihiwa ng ube at cheese @vincebautistaa at sa aking bunso @sophdelasalas sa pag aasikaso sa orders at sa ig posts namin sa @martinaspastries at kay good LORD ( kasi dun ako nag papa rise sa chapel namin at tuwing papasok ako LORD BLESS OUR BREAD .. haha kung nagsasalita lang si lord busy ako ngayun nak pati ba naman tinapay mo haha.. salamat LORD sa lahat.”

Read more...