Lani binansagang Home Repair Diva; naadik sa K-Drama dahil sa ECQ

Lani Misalucha

“HOME repair diva!”

Yan na ang bagong title na ikinakabit ngayon sa Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha.

Maliban sa kanyang world class na talent, may panibagong na-master na skill ang Kapuso singer at former The Clash judge ngayong naka-home quarantine siya — at ‘yan ay ang pagre-repair sa mga kagamitan nila sa bahay. 

Sa panayam kay Lani ng Unang Hirit, nadiskubre niya ang panibagong skill na mag-repair at magkumpuni ng mga appliances sa kanilang inuupahang condominium gaya ng air-conditioner. 

Magmula raw nang ipatupad ang enhanced community quarantine, marami raw siyang napapansin na kagamitan sa kanilang condo na kailangang ayusin kaya naman kinarir ni Lani ang pag-aayos sa mga ito.

 “So, kapag ganyan pala kahit maliit lang ‘yung lugar mo, puwede ka pa rin pala makakita ng puwedeng gawin. Makakakita ka ng mga, ‘Ay ito pala, kailangan pala itong i-repair,” chika ni Lani. 

Dagdag pa ng singer, katulong din daw niya ang asawang si Noli sa pagkukumpuni ng mga kagamitan.

 

Bukod sa home repair, hobby at part na rin ng daily routine ngayon ni Lani ang panonood ng Korean drama.

Samantala, bukas pa rin ang online auditions para sa ikatlong season ng The Clash mula April 4 hanggang June 28, 2020. Pumunta lang sa official website ng GMA o sa Facebook Messenger ng The Clash.

Read more...