Baby ni Regine Tolentino sumailalim sa COVID test dahil sa pneumonia

HINDI naging madali para kay Regine Tolentino ang pinagdaanan niya habang ipinagbubuntis at hanggang sa maisilang si Baby Rosie.

Ibinalita ng Kapuso TV host-actress na kinailangang magpa-test for COVID-19 ang bagong silang na anak matapos itong dapuan ng lagnat at pneumonia.

Sa panayan ng Unang Hirit, sinabi ni Regine na more than one month na ngayon si Baby Rosie na tinawag niyang “miracle baby”. 

Aniya, talagang kabado siya nang isinisilang niya ang anak dahil nga sa banta ng COVID-19. Saktong isinilang si Baby Rosie sa pagsisimula ng enhanced community qurantine sa bansa.

“It was crazy because my due date was actually mid-March and I was telling my doctor nu’ng umpisa pa lang ng March, ‘Can we work na because I’m so scared.’ We were so praning.

“Then finally we gave birth on March 17 and it was just crazy and all. Everybody looked stressed out, pati kami praning kami sa lahat. I had a long labor, 26 hours,” pahayag ng Dance Diva.

Grabe raw ang tensiyon na naramdaman niya nang magkalagnat at pneumonia ang sanggol, “When she came out, it made it more complicated because she had a fever and pneumonia.

“She was confined for 10 days, ako naman six days. So after I was discharged, I’m going back to the hospital everyday to breastfeed also.

“Stressful because of all the checkpoints and du’n mismo sa hospital,” aniya pa. Okay na raw ngayon si Baby Rosie sabi ni Regine matapos ang ilang test na ginawa sa sanggol.

Samantala, masasabi ngang isang miracle child si Baby Rosie dahil hindi in-expect ni Regine na sa edad niyang 41 ay magkakaroon pa siya ng baby.

“I’m 41 and I found out that I was pregnant at actually five and a half months. I was super surprised because I’m actually irregular,” sey pa ni Regine. 

Read more...