Malls papayagan magbukas sa mga GCQ-placed areas

PAPAYAGAN mag-operate sa limitadong kapasidad ang mga malls sa lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.

Sa online press conference, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque papayagan magbukas ang mga mall epektibo sa May 1.

Gayunman, limitado lamang ang mga tindahan o serbisyong papayagang mag-operate:

Pwede ring magbukas ang mga restaurants pero para lamang sa take-out o delivery.

Ayon kay Roque, ang mga papayagan lang pumasok sa mall ay mga taong nasa edad 21 hanggang 59 lamang at kinakailangan magpresenta ng ID.

Mandatory naman ang pag-check ng temperatura, pagsusuot ng face mask at paggamit ng alcohol habang nasa loob ng mall.

Kinakailangan ding i-set ang aircon ng mall sa 26 degrees lamang at tatanggalin ang libreng wi-fi para ma-discourage ang mga taong gumala pa sa loob ng mall.

“Tapos ang mall operations po, kinakailangan yung mga mall operators ay magbigay ng mask and gloves sa kanilang mga empleyado.” dagdag pa ni Roque.

Inilagay ni Pangulong Duterte ang Metro Manila at ilang mga ‘high-risks’ areas sa isang extended enhanced community quarantine samantalang ang ibang lugar naman ay itinalaga sa GCQ na status.

Read more...