Danish national, 11 pa huli sa droga

ISANG Danish national at 11 iba pa ang naaresto ng pulisya sa magkakahiwalay na operasyon sa Quezon City.

Si Rene Nielsen, 47, tubong Vamdrup, Denmark, ay naaresto alas-2:40 ng hapon kahapon malapit sa kanyang bahay sa G. Araneta, Sitio Mendez, sa Brgy. Baesa.

Nakatakas naman ang kanyang live-in partner na si Rachelle Ayap na tumakbo matapos matunugan na pulis ang binentahan nito ng isang sachet ng shabu.

Narekober umano kay Nielsen ang 14 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000.

Naaresto naman ng Masambong Police sina Mark Wilson Sulla, 28, at Midel Dizon, 47, alas-10:35 kagabi sa Pangasinan st., Brgy. Alicia. Nahulihan umano sila ng limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000.

Nasakote naman ng Batasan Police si Mario Ricafranca, 27, alas-8:30 ng gabi sa Dumpsite kanto ng Payatas Road, Area B, Brgy. Payatas. Narekober umano sa kanya ang P15,000 halaga ng shabu.

Kamuning Police naman ang humuli kina Angelito Principe Jr., 32, at Antonio Solomon, 42, alas- 4:45 ng hapon kahapon sa kanto ng Kamias Road Brgy. West Kamias. Nasamsam umano sa kanila ang P20,400 halaga ng shabu.

Nahuli naman ng Galas Police si Domingo Lazarte, 31, alas-3:30 ng hapon sa Palanza st., Brgy. Santol at nakuhanan ng P13,600 halaga ng shabu.

Naaresto rin nila si Juan Compuesta, 27, alas-7:30 kagabi sa E. Rodriguez Sr., Blvd., Brgy. Kalusugan na nakuhanan naman ng P300 halaga ng shabu.

Nasakote naman ng Cubao Police sina Allan Arellano, 52, John Albert Edrozo, 25, at Leonora Edrozo, 56, alas-7 ng gabi sa Brgy. Bagong Lipunan ng Crame, Cubao. Nakuha umano sa kanila ang P7,000 halaga ng shabu.

Nahuli naman ng La Loma Police si Abraham Cariaga, 46, alas-8 kagabi sa Brgy. Balingasa, at nakuha umano sa kanya ang P6,800 halaga ng shabu.

Read more...