KALABOSO ang anim katao na nag-inuman umano sa pampublikong lugar sa Quezon City kagabi.
Inaresto ng Galas Police sina Ernesto Cornejo, 38, Allan Canape, 24, Boyet Denaga, 24, Monica Reyes, 20, Richard De Leon, 27, at Leonardo Mercado, 27.
Naaresto ang mga suspek alas-11 ng gabi sa kahabaan ng G. Araneta Ave., Brgy. Tatalon.
Ipinaalala ng pulisya na ang liquor ban ay magtatagal hanggang hindi inaalis ang Extended Enhanced Community Quarantine (ECQ).
“Muli po tayong nagpapaalala sa publiko na bawal po ang pagbenta, pagbili, at pag-inom ng alak sa mga pampulikong lugar. Manatili po tayo sa ating mga tahanan at ugaliing sumunod sa mga patakaran ng gobyerno at lokal na pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 at tuluyan na itong mapuksa,” ani Quezon City Police District (QCPD) Director PBGEN Ronnie Montejo.