Enchong, Janine kinondena ang pagpatay sa ex-soldier: Maling-mali! 

“MALING-MALI ito!” Yan ang reaksyon ni Enchong Dee sa ginawang pagbaril at pagpatay ng pulis sa isang retired Army soldier na umano’y lumabag sa quarantine protocol.

Kinondena ng aktor ang ginawang pamamaril sa retiradong sundalo ng Philippine Army na si Private First Class Winston Ragos, na naganap sa quarantine checkpoint sa Barangay Pasong Putik, Quezon City kamakalawa.

Kinilala naman ang pulis na bumaril kay Ragos na si Police Master Sergeant Daniel Florendo ng Quezon City Police District Station 5.

Ayon sa report, may post-traumatic stress disorder si Ragos dulot ng pakikipaglaban noon sa teroristang Maute Group sa Marawi City. Sinasabing lumabag ang dating sundalo sa quarantine protocol at nagtangkang manlaban sa sumitang pulis.

Makikita sa viral video ang biktima na akmang may bubunutin sa kanyang bag kaya agad siyang binaril ng pulis. Naisugod pa sa ospital si  Ragos pero namatay din kalaunan.

Ni-repost ni Enchong sa Twitter ang nasabing video at nilagyan ng caption na, “Maling mali to.”

Bukod kay Enchong, kinondena rin ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez ang ang nangyari kay Ragos. Ni-repost ng dalaga ang tweet ng broadcast journalist na si Atom Araullo tungkol dito.

Caption ni Janine sa kanyang tweet, “Unbelievable and heartbreaking.”

May mga sumang-ayon kina Enchong at Janine pero marami rin ang kumontra. Narito ang ilang komento ng netizens.

“Tama lang yung ginawa ng police. if may dapat man sisihin dito is yung mga BOBONG/MANGMANG na KAMAG-ANAK nyan! matanong lang kita madam! WAT IF BALIKTAD ANG NANGYARE AT YUNG POLICE YUNG NAPATAY?” sabi ng isang netizen.

Sagot naman sa kanya ng isang follower ni Janine, “Ang galing mo naman sabihin na mangmang yung kamag anak. Di mo naman alam yung kwento nung sundalong nagkaroon ng PTSD dahil sa Marawi.”

“I am not sure if you have seen in full the 2 videos, if u did you would see that he man acted as if he was drawing a gun.  Just because the bystanders told the military he was not of right mind is irrelevant.  It is easy to analyze on hindsight but not when u are on the ground,” sey naman ng follower ni Enchong.

“Janine Kung Ikaw ang pulis na situation na ganung Anu gagawin mo, madaling magsalita kase Wla tayo dun sa situation na ganung, kailan lang mag sundalo pinatay ng Abu sayaff Wla kyung sinabi,” reaksyon ng isa pa.”

“Someone should stood up for the ordinary people sobrang mali tlga. just so frustrating, higher ups pa ang nag tatanggol sa maling Gawain. besides they follow duterTe KILL PEOPLE WHO WILL NOT FOLLOW. Baka nakalimutan sundalo and sinumpaan nila TO SERVE AND PROTECT THE PEOPLE.”

“This is beyond being wrong… it only proved how incompetent, coward and trigger happy the PNP of today. They need to be hold accountable for this crime, yes, its a crime. Abuse of power and use of excessive force. On the side note, take care of yourself Enchong!”

Read more...