Toni ayaw nang ibandera pa ang pagtulong; ex-Startalk host ‘nagparamdam’ 

ANG tunay na kawanggawa, for us, is not for all the world to see as far as the doer is concerned.

Kumbaga let other people make it public in the same way na hayaan na lang ang ibang tao na pumuri sa iyo rather than peddle yourself as a praiseworthy commodity.

Mismong si Alex Gonzaga ang nagtanggol sa kanyang ate na si Toni against the latter’s bashers na kumukuwestiyon kung ano raw ba ang makabuluhang naitulong nito sa gitna ng health crisis.

Sabi ng isang basher, wala raw kuwenta ang TV host-actress who the basher named as one of her characters in a movie.

The basher went as far as comparing Toni to the likes of Angel Locsin, Bea Alonzo, among others na may mga naiambag na tulong para sa mga frontliners.

Dito na umalma si Alex na dumepensa sa nakatatandang kapatid na hindi naging ugaling isapubliko ang mga tulong na ginagawa nito.

 Isinahalimbawa ni Alex ang paglikom ni Toni ng mga PPE (personal protective equipment) na kailangan ng mga health personnel in their line of duty.

May proyekto rin daw ito para sa mga bata even before the surge of the crisis.

Ang pagsasapubliko ng mga acts of charity ng mga celebrity is one that cannot be helped. Mga public figures sila, bagay which gives them the advantage to gain a higher level of public trust.

Nami-misinterpret nga lang sila ng marami, pero naroon ang magandang intensiyon o layunin.

Why Toni chooses not to make her contributions public marahil ay para hindi na kuwestiyunin pa what lies beneath those.

Sa tulad niyang sikat na, kailangan pa ba niya ng publisidad? And during a crisis at that?

                                                                           * * *

Hindi na naabutan pa ni Alyssa Alano ang pamamaalam sa ere ng Startalk sa GMA noong September 12, 2015. Nauna kasi siyang umalis bilang isa sa mga co-host nina Heart Evangelista, Ricky Lo, Butch Francisco at Joey de Leon.

Despite her absence ay patuloy pa rin ang aming komunikasyon with Alyssa. Not because she left the show ay nahinto na rin ang aming pangungumustahan like old times.

Sa pamamagitan ng text at Facebook ang aming means of contact.

Nalaman na lang namin na noong nagbitiw na siya ng kanyang hosting stint, Alyssa put up a convenience store malapit sa kanyang tinitirhan.

Bagama’t negosyo na ang mundo niyang ginagalawan, she never fails to constantly make her presence felt.

Tulad ng dinaranas nating krisis, Alyssa manages to send reassuring words na pasasaan ba’t malalampasan nating ito lahat. Ang simpleng maalala ka lang niya means the whole world to us, at iba pa niyang mga nakasama sa Startalk.

She knows how to look back over her shoulder dahil marami naman kaming magagandang pinagsamahan. Mag-iingat ka palagi, Alyssa.

                                                                                    

Read more...