20 timbog sa ‘hard lockdown’ sa Sampaloc

KAHIT umiiral ang “hard lockdown” sa Sampaloc ay hindi pa rin napigilan ng ilang mga residente na lumabas ng kanilang mga bahay at magpakalat-kalat sa mga kalsada.

Dalawampu sa mga pasaway na residente ang naaktuhan ng mga nagpapatrolyang pulis at dinala sa covered court ng mga barangay.

Hindi naman pinarusahan ang mga lumabag sa enhanced community quarantine at imbes ay pinanood lamang sila ng mga video ukol sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Sampaloc police chief Lt. Col. John Guiagui, nananatili ang distrito sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa siyudad.

Read more...