INILUNSAD ng Department of Health ang KIRA, isang chatbot upang labanan ang mga maling impormasyon kaugnay ng coronavirus disease 2019.
“Inaasahan namin na ang ganitong mga inisiyatiba ay makakabawas sa pagkalat ng fake news at magsisilbing source ng reliable at verified information na mapupuntahan ng lahat,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Nakikipag-ugnayan na ang DoH sa mga telecommunication company upang maging libre ang pag-access sa KIRA o Katuwang na Impormasyon para sa Responsableng Aksyon.
Ang chatbot ay maaaring ma-access sa pamamagitan ng Facebook messenger at sa official Facebook page ng DoH.
MOST READ
LATEST STORIES