BAWAL ang sama-samang pagdarasal ng mga Muslim para sa pagdiriwang ng Ramadan.
Inanunsyo ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pagbabawal sa Taraweeh congregation prayer bilang ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine sa Luzon.
Sa Biyernes magsisismula ang Ramadhan na tumatagal ng isang buwan.
“Karamihan sa ating mga kapatid na Muslim ay pumupunta sa mosque para sa Taraweeh congregation prayer,” ani Vergerie. “Naglabas na rin po ang National Commission on Muslim Filipinos ng memorandum order na sinususpinde pansamantala ang pagsasagawa ng Taraweeh o sama samang pagdarasal sa mga prayer rooms o mosque sa buong bansa para sa pagdiriwang ng Ramadam ngayong taon.”
Hinikayat ng ahensya na sa bahay na lamang magdasal ang mga Muslim.
“Sa halip, hinihikayat na magdasal sa kanya kanyang tahanan at manatili sa loob ng bahay sa buong panahon ng Ramadan at ECQ (Enhanced Community Quarantine).”