Vico nag-video call muli; wala nang hubad na lalaki sa background

NAKIPAG-VIDEO conference si Mayor Vico Sotto kay Senator Sherwin ‘Win’ Gatchalian, ibang mga mayor at mga policy experts para pag-usapan ang tinawag niyang ‘ECQ exit strategy’.

What grabbed netizens attention, however, yung sa last part na sinabi ni Vico na nagpapasalat siya at walang background na bold sa naturang conference.

Sa isang interview kasi, may nag-zoombomb na background ng hubad na lalake sa interview niya sa Foreign Correspondents Association of the Philippines.

Maraming netizen naman ang natawa sa reference na ito and started reposting his reaction sa insidenteng iyon.

Sa viral video, mapapansing natigilan saglit si Mayor Vico ng bigla na lang sumulpot ang isang nakakagulat na imahe.

Ito ang unang pahayag ni Vico patungkol sa nangyaring insidente.

 

Read more...