SA murang edad ng kanyang anak na si Seve, ipinaliliwanag na ni Toni Gonzaga kung ano ang nangyayari sa paligid habang may COVID-19 pandemic.
Ayon sa TV host-actress, kung may isang mabuting idinulot ang lockdown, yan ay ang pagiging full time mom and wife at ang mahabang panahon ng pagsasama-sama nilang pamilya.
Sa isang video conference, nasabi ni Toni kay Tim Yap na, “That’s one thing that I’d like to say I’m grateful for in this situation. I’m just enjoying and cherishing this moment. He’s only three years old once in his life, so I’m just enjoying every moment that I get.”
“I don’t think he’ll ever remember our country experienced this pandemic or this crisis. I think what he will get from all of this, what he will remember from all of this, is that Mommy and Daddy were always home,” aniya pa.
“We told him prior to the lockdown that there’s been a virus, that people are getting sick, that it’s a serious situation. And every time the President has an address to the nation, we make sure that he watches it even if he doesn’t understand what’s going on,” sey pa ni Toni.
“Even if the President is saying so many things na hindi naman niya naiintindihan in Tagalog sinasabi namin na he needs to listen to this, this is what’s going on. ‘That’s the President, he’s talking to us and he will let us know when we can go back again outside,'” aniya pa.
* * *
Samantala, speaking of pagtuturo sa mga bata ng mga nagaganap sa bansa ngayong may health crisis, isang dokumentaryo naman tungkol Aetang guro ang pinarangalan kamakailan.
Ang dokyu na ito na tumatalakay sa titser na naglalakad nang limang oras ang Sitio Tarukan sa Capas, Tarlac para makapagturo araw-araw sa mga mag-aaral nitong kapwa Aeta, ang nagwagi sa ikatlong “Knowledge Channel Class Project: Intercollegiate Mini-Documentary Competition” at mapapanood sa Knowledge Channel at iWant.
Likha ng mga mag-aaral mula sa University of Makati, ipinakikita ng dokyu na pinamagatang “Titser Gennie” ang dedikasyon at sakripisyo ng guro para makamtam ang pangarap na maging lisensyadong guro.
Nangibabaw ang dokyung gawa nina Eudel Ayuban, Leda Razel Miranda, Yvonne Clarisse Dalusong at Jean Pearl Silvestre sa 44 na iba pang kalahok sa buong bansa na kalaunan ay mapapanood sa “Knowledge Channel Winner’s Festival.” Ang kanilang grupo ay tatanggap ng premyong P30,000.
Sa ikatlong taon nito, patuloy ang layunin ng mini-dokyu kompetisyon na magbigay ng pagkakataon sa mga mga mag-aaral na paglinangin ang kakayahang gumawa ng malikhaing obra at maipakita ang kanilang mga dokyu sa mas maraming manonood.
Nasungkit naman ng dalawa pang grupo ng mag-aaral mula sa University of Makati ang pangalawa at pangatlong pwesto sa kompetisyon.
Pumangalawa ang “Kulitan,” na tumatalakay sa nakaligtaang paraan ng pagsusulat sa Kapampangan. Gawa ito nina Rosendo Rone Jr., Ederwin Capungcol, Larrisa Joyce Adornado, Raymond Enriquez at Krisha Gordonas. Makakatanggap sila ng P20,000.
Ang dokyu naman na “Mga Batang Anipa,” na tungkol sa apat na kabataang pursigidong pumasok araw-araw gamit ang lamang ang kanilang mga tsinelas at salbabida para makalangoy sa ilog patungo sa kanilang paaralan ikatlong nagwagi. Mula ang dokyu na ito sa mag-aaral na sina Alundra Villanueva, Noel Carlo Francisco, Ederwin Capungcol, James Claude Fernandez at Eloisa Jane Palermo, na makakatanggap naman ng premyong P10,000.
Samantala, ang ibang mga sumali na makakatanggap ng mga consolation prizes ay ang “Binhi” ng Palawan State University; “City Painted in Red” ng Saint Louis University; “Ang Munting Karera ni Vash” ng University of Makati; “Iskolar ng Merkado” ng Palawan State University; “Hiling sa Dapithapon” ng Lyceum of the Philippines; “Aruga” ng Urdaneta City University; at “Hachiko ng Lapu-Lapu ng Cebu Normal University.
Ang “Class Project: Intercollegiate Mini-Documentary Competition” ay proyekto ng ABS-CBN, Knowledge Channel, at Philippine Association of Communication Educators (PACE) na may layuning himukin ang mga mag-aaral na gumawa ng mga makabuluhang mini-dokyu tungkol sa buhay ng mga Pilipino, na nagpapakita ng kahalagahan ng katarungang panlipunan, dedikasyong maglingkod, masidhing pagnanasa sa pangkalahatang paglinang ng kaalaman, integridad, at nasyonalismo.
Pilipino.
Eere ang mga nanalong dokyu sa programang “Class Project Winners Festival” sa Knowledge Channel at mapapanood sa iWant.