Dayuhang di susunod sa ECQ pwede nang lumayas ng Pinas

KUNG ayaw n’yo sumunod, lumayas kayo!

Ito ang ipinahiwatig ng Malacanang sa mga dayuhan na tumatangging sumunod sa enhanced community quarantine na ipinaiiral sa buong Luzon

Ani Presidential spokesperson Harry Roque, walang exempted sa direktiba ni Pangulong Duterte ukol sa lockdown.

“Ang mensahe po ng Presidente, ang ECQ po ipatutupad sa lahat— sa mayaman, sa mahirap, sa Pilipino, o sa dayuhan,” ani Roque.

“Kung ayaw niyo pong tumupad diyan lalong-lalo na ‘yung mga dayuhan, umalis na po kayo ng  Pilipinas. You are free to go,” dagdag niya.

Matatandaang nagtungo ang ilang pulis sa compound ng condominium sa Taguig City upang ipatupad ang quarantine protocols.

Dahil dito ay nagbanta ang mga dayuhang nakatira sa condominium na kakasuhan ang mga alagad ng batas.

Sinabi naman ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa na handa siyang ipagtanggol ang mga pulis na nahaharap sa kasong trespassing.

Read more...