KUMUSTA na ang prangkisa ng ABS-CBN2?
Pinamamadali ng Bayan Muna ang pagresolba ng Kamara de Representantes sa panukalang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN 2.
Hanggang noong Abril 15 ang ibinigay ng Kamara para makapagsumite ng position paper ang mga pabor at tutol sa pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN 2.
“The franchise of ABS-CBN will expire on May 4, and I submit that it is prudent that a hearing of the legislative franchise committee be called on the same day to expedite its resolution, especially now during the time of the CoViD pandemic,” ani House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate.
Ayon kay Zarate hindi maitatanggi na ang may naitulong ang ABS-CBN 2 sa pagpapalaganap ng impormasyon bukod pa sa pagtulong na ginagawa nito.
Sinabi ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares na daragdag sa problema ng bansa ang pagkatanggal sa trabaho ng 11,000 empleyado ng ABS-CBN 2 kung hindi mari-renew ang prangkisa.
“As it is we will face a new normal due to CoViD and our economy would take a big hit. Some government estimates even say that more than a trillion pesos has been lost due to the lockdown. If the ABS-CBN franchise is not approved the soonest time possible, what is at stake here also is the fate of not just the more than 11,000 employees who would be out of work but also their dependents or family members who would also be terribly affected by their lost of jobs,” ani Colmenares.