NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang isang preso sa New Bilibid Prison (NBP).
Sa kalatas, sinabi ng NBP na nakakulong ang preso sa Medium Security Compound, pero agad din na nadala sa NBP hospital noong Abril 17.
Sa kaparehong araw ay isinugod ito sa Research Institute for Tropical Medicine kung saan kasalukuyan siyang ginagamot.
Matapos makumpirma na mayroong COVID-19 ang preso, agad nagsagawa ng contact tracing ang mga opisyal. Naka-quarantine na 40 iba pang preso at mga medical staff na tumingin sa pasyente. -m
MOST READ
LATEST STORIES