KINUKWESTYON ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez ang pagdadala ng Department of Health ng mga pasyenteng may mild symptoms ng coronavirus disease o COVID-19 sa kanilang siyudad.
“Why bring the patients to Tacloban City, at the EVRMC (Eastern Visayas Regional Medical Center), when they are only showing mild symptoms? Why not just isolate them at their respective hospitals and not transport them here?” ani Romualdez sa presscon.
Kung ang pasyente ay may severe symptoms o kung ang mga ospital kung saan nanggagaling ang mga pasyente ay hindi sila kayang iaccomodate, ay hindi na niya kukuwestyonin ang paglilipat ng pasyente sa EVRMC.
“For humanitarian consideration, if the patient is suffering from severe symptoms, then the city will accept him with open arms.” aniya.
Ang pagdadala raw ng mga pasyenteng may COVID-19 sa kanilang siyudad, na coronavirus-free, ay magbibigay ng impression na naroon na ang pandemic.
Inuutos ni Romualdez ang restrictive community quarantine sa Tacloban mula March 21 hanggang April 28.
Lalo naman niyang pinaigting ang border control ng dalhin ng DOH ang isang pasyenteng may COVID-19 sa EVRMC galing Burauen, Leyte.
Sinabi naman ng DOH na ang EVRMC ay isang referral hospital para sa COVID-19 at ang paglilipat ng pasyente ay sumusunod sa istriktong protocol ng paglilipat ng pasyente.
Dagdag pa ng DOH, nasa EVRMC ang mga doktor na may experience sa paghawak sa kaso ng COVID-19.
Ang basehan ng DOH sa paglilipat ng pasyente ay dapat ito ay 60-taong gulang pataas, may sintomas, at positibo sa coronavirus.
Sa ngayon, dalawang pasyenyeng may COVID-19 ang inilipat sa EVRMC, isang taga Barauen, Leyte at isang taga Tarangan, Samar.