Makisayaw sa #DontTripChallenge; Nakatulong ka na, pwede ka pang manalo

SASAYAW ka lang, makatutulong at maaari ka pang manalo.

Paano? Sumali sa TikTok #DontTripChallenge.

Isa ang online craze sa mga pangunahing libangan sa bahay habang may enhanced community quarantine sa Luzon at ibang lugar sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

At para mas maging makabuluhan, magsisilbi itong fundraiser para sa medical frontliners at Red Cross volunteers. Kasama rin sa goal ng challenge ang paghikayat sa marami na huwag munang lumabas ng bahay.

As long as bigay na bigay sa paghataw, influencer man o hindi, pwedeng sumali sa #DontTripChallenge. Ang mga celebrities tulad nina Ashley Ortega, Kitkat, “Eruption” at Meg Imperial ay nakihataw na rin.

How to join? Madali lang.

 

Sundin lang ang choreography or dance to your own style freely to “Don’t Trip” song ni Tiana Kocher. Then, nominate five of your friends at i-tag sila bago ipost ang video. Don’t forget na ilagay ang hashtags na #DontTripChallenge, #StayHome  at #TianaKocher.

Invite niyo rin ang lahat na sumali sa challenge para maipalaganap ang mensahe tungkol sa sakripisyo at panganib na hinaharap ng medical staff sa Red Cross.

Lastly, ipost ang video sa Instagram story kasama ang link ng #DontTripChallenge: https://vt.tiktok.com/rPMS6b/

Ang daily winners ay ia-announce sa TikTok page ni Kocher. Mananalo sila ng P2,500 Lazada gift card at P5,000 worth of donation to Red Cross na nakapangalan sa winner.

 

Read more...