Nakakulong na 73-anyos sa correctional palayain na
UMAPELA si Gabriela Rep. Arlene Brosas na palayain ang dalawang 73-anyos na babae na nakakulong sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City.
Ginawa ni Brosas ang pahayag matapos lumabas nag ulat kaugnay ng 19 inmate sa CIW na nahawa ng coronavirus disease 2019.
Ang tinutukoy ni Brosas ay sina Moreta Alegre at Lilia Bucatcat.
“With the Supreme Court’s circular directing lower court judges to fast-track the release of qualified persons deprived of liberty, the government should be even more compelled to release political prisoners and other vulnerable PDLs on humanitarian grounds in the midst of this virus outbreak,” ani Brosas.
Sinabi ni Brosas na ang pagkahawa ng mga preso ay patunay na ang mga kulungan ay hindi ligtas sa COVID-19.
“Contrary to what local authorities have been saying, the country’s jails are definitely not natural quarantines. Hindi ‘safe space’ ang isang lugar kung saan walang malinis na espasyo, walang malinis na tubig, at walang mahigaan dahil sa sikip ng paligid. With the current state of our jail facilities, the government should include prisons in the conduct of mass testing for COVID19 in the country,” saad ng lady solon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.