MULING nabawasan ang antas ng tubig ng Angat Dam at iba pang dam sa Luzon sa magdamag.
Ayon sa Pagasa-Hyrometeorology Division, nasa 191.88 metro ang antas ng tubig ng Angat Dam alas-6 ngayong umaga, mas mababa sa antas nito kahapon na 192.06 metro.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng La Mesa Dam na nasa 76.79 metro kumpara sa antas nito kahapon na 76.84 metro habang nasa 100.61 metro ang Ipo Dam na mas mababa sa antas nito kahapon na 100.63 metro.
Samantala, nabawasan din ang water level ng mga dam ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Caliraya habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng mga dam ng Binga at Magat.
MOST READ
LATEST STORIES