Derek sa laban kontra-COVID: I’ll be honest, it’s really tough!

KUNG inaakala n’yong ang mahihirap lang ang apektado ng ipinatutupad na lockdown sa bansa dulot ng COVID-19 crisis, nagkakamali kayo.

Habang tumatagal ang enhanced community quarantine ay parami nang parami ang nagsasabi na ito na ang isa sa pinakamahirap na laban na kanilang hinarap sa buong buhay nila.

Tila walang kawala ang kahit na sino man sa lumalaganap ngayong COVID-19 pandemic, may kaya ka man o nagdarahop sa buhay ay talagang apektado na nang bonggang-bongga.

At isa nga sa mga celebrities na aminadong nahihirapan na sa krisis na ito ay ang Kapuso hunk actor na si Derek Ramsay.

“I’ll be honest, I’m not gonna say it’s easy. It’s really tough,” pag-amin ng binata sa kanyang ipinost na video sa Instagram. 

Isiniwalat dito ni Derek na marami siyang natutunan tungkol sa pananampalataya, pamilya, mental health at overall well-being ngayong kasagsagan ng COVID-19. 

“You just really have to focus, it’s a time for reflection. It’s a time to realize things that you know, that maybe we’ve been prioritizing the wrong things in our lives. We’ve really forgotten what life is really about,” pahayag ng boyfriend ng Kapuso sexy actress na si Andrea Torres.

 “Times like these are a reminder. A tap on the shoulder saying, hey, we need to focus on what matters most. Our health. Our safety. The welfare of our families. All of which are ensured by tireless frontliners who put themselves on the line,” dagdag pa niya.

Bukod sa pagpapadala ng inspirasyon at suporta sa mga frontliners at higit na apektado ng krisis sa kanyang social media, aktibo rin si Derek sa pagkakawanggawa sa tulong na rin ng AFP at GMA Kapuso Foundation. 

“Our AFP frontliners are working non stop to help all of us. It was an honor to meet and help these amazing people today.

“Through the efforts and kindness of @dunkin_ph and Kapuso Foundation, the AFP will be able to bring help to those in need. Mabuhay kayo!” mensahe pa ng aktor.

Samantala, muling magbabalik-telebisyon ang Kapuso couple na sina Derek at Andrea sa upcoming action series ng GMA na “Sanggang Dikit”.

Read more...