312 preso na positibo sa virus

UMABOT na sa 312 preso sa Cebu City Jail ang tinamaan ng COVID-19 matapos magpositibo ang 123 iba pa.

Unang naiulat na 127 detenido ang nahawahan ng sakit makaraang magsagawa ng mass testing ang mga otoridad.

Samantala, dalawang jail officers ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Central Visayas ang nagpositibo rin sa COVID-19 at sumasailalim na sa isolation.

Nagsimulang magsagawa ng mass testing sa bilangguan matapos pumanaw ang isang 41-anyos na preso noong Linggo. –Radyo Inquirer

Read more...