Taga-Sampaloc naghahanda sa total lockdown, sumugod sa palengke

ILANG oras bago ang nakatakdang hard lockdown sa Sampaloc, Maynila ay sumugod na ang mga residente sa mga palengke at groceries upang mamili.

Magsisimula ang lockdown alas-8 ng gabi mamaya hanggang alas-8 ng gabi ng Sabado.

Mahigpit namang ipinatutupad ang social distancing sa mga mamimili sa Trabajo Market, ayon sa ulat.

Limitado ang pinapapasok sa loob ng palengke base sa one out-one in policy nito.

Nakabantay rin ang mga tauhan ng Sampaloc Police Station upang masigurong 50 katao lang ang nasa loob ng palengke.

Matatandaang nilagdaan ni Mayor Isko Moreno ang executive order para sa  lockdown makaraang lumobo ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa nasabing distrito.

Ang Sampaloc ang ikalawang lugar sa  Maynila na isinailalim sa total lockdown matapos ang Brgy. 20 sa Tondo.

Read more...