Angel Locsin sa condo residents: Wag kayong feeling privileged

Angel Locsin

NAGPAHAYAG ng suporta ang aktres na si Angel Locsin sa mga pulis na lumusob sa isang condominium sa Taguig kamakailan upang ipatupad ang social distancing.

Sa IG post, sinabi ni Locsin na pabor siya sa utos ng pulisya at ni Mayor Lino Cayetano na dapat manatiling sarado ang mga common areas ng mga condominium habang umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) kontra COVID-19 pandemic.

“I live in BGC and I support the PNP and Mayor Cayetano. Rules are rules. Walang kaibahan po ang kumpulan sa palengke, pa-sabong sa sementeryo, at pa-bingo sa kalsada sa pagkumpulan ninyo sa swimming pool porket may common area sa high end condo ninyo,” ani Locsin. Ipinaalala ng aktres sa mga residente ng mga condominium na lahat ay dapat sumunod sa social distancing.

“Wag po tayong privileged. Wala pong diplomatic immunity ang virus. You staying in common areas can harm not only us Filipinos but also the diplomats in your condominium,” dagdag niya.

Matatandaan na noong Sabado ay sumugod ang mga pulis sa

Pacific Plaza Towers at inutusan ang mga residenteng pakalat-kalat sa common areas na bumalik sa kanilang unit.

Read more...