NAG-POST ng video si Commission on Elections Commissioner Rowena Guanzon upang punahin ang umano’y maling memorandum ng Department of Environment and Natural Resources na nagbabawal sa mga empleyado nito na mag-post ng negatibong komento laban sa gobyerno.
Ang video na ipinost ni Guazon sa kanyang Facebook account Miyerkules ay kasunod ng mga komento nito sa kanyang Twitter account mula noong Abril 7 kaugnay ng Memorandum.
“Pag-usapan natin yung memorandum ni DENR Usec. Antiporda na binabawalan ang mga empleyado magkomentaryo tungkol sa mga actions ng gobyerno o kaya magkomentaryo ng negatibo lalo na sa social media. Tama ba ito? Tama ba na pag nag gobyerno ka ay hindi ka na pwede magkomentaryo tungkol sa gobyerno, hindi ka na pwede magsalita ng opinyon mo o pagtututol mo. Hindi po, maling mali po dyan yung undersecratery na yan nagtataka naman ako kung ano ang basehan nya bakit siya nag-memorandum ng ganun,” ani Guanzon.
Iginiit ni Guazon na mayroong mga kaso na dinesisyunan ng Korte Suprema kung saan pinagtibay nito ang freedom of speech ng empleyado.
“…. Nagsalita na ang Korte Suprema dyan na ang mga empleyado ay hindi nila isinu-surrender ang kanilang mga karapatan o freedom of speech sa ating Saligang Batas sa pag-join nila o pag-empleyo nila sa gobyerno,” ani Guanzon.
Ganito rin umano ang desisyon ng Korte Suprema sa pagsusuot ng pula ng mga empleyado ng Water District sa Davao bilang pagtutol sa patakaran nito. “Sinabi rin ng Korte Suprema na hindi bawal sa kanila ang magpahayag ng kanilang pagtututol sa kanilang opinyon laban sa kanilang ahensya.”
“Kaya hindi po tama yung ginawa ng DENR undersecretary na yun. Ang tanong ko naman sa kanila dyan lalo na sa kanya, sino naman ang abugado o kaya opisyal dyan na nagbigay sa inyo ng advise na legal yang ginagawa nyo?
Iligal yang ginagawa nyo.”
Sinabi pa ng opisyal na sa Comelec ay mayroong unyon ang empleyado. “Hindi bawal mag organisa sa gobyerno ang bawal lamang ay manggugulo sila during office hours, ang bawal lamang ay kung inciting to sedition na yung mga sinasabi nila o kaya ang kanilang ginagawa ay labag sa specific na mga batas kagaya ng libelous na, kaya wag po kayong maniniwala dyan hindi po tama yan na pag government employee ka na ay wala ka ng freedom of speech. Kaya lamang maging careful din kayo sa binibitawan nyong salita para sigurado na hindi kayo makakasuhan ng libel o inciting to sedition.”
“Maganda hong pinaguusapan ito dahil dapat natututo tayong lahat lalo na yung mga opisyal nyo dyan dahil #bawal ang shunga.”
Nag-post ng komento sa Twitter si Guanzon sa post ng ABS-CBN News kung saan na-quote si Antiporda na nagsabi na ito ay simple reminder lamang at walang disciplinary action sa mga lalabag.
Sa kanya namang Facebook post noong Abril 7, sinagot ni Antiporda ang pahayag ni Guanzon.
“Madam Comm. Rowena Guanzon, I will not stoop down to your level. Ooops Mali ho pala! I will not step up to your level, kasi ho Atty po pala kayo at ako’y isang college grad lang po from PUP. Mukhang sobra po talino n’yo kaya binigyan n’yo ako ng hashtag “shunga.”
Sinabi ni Antiporda na welcome ang constructive criticism.
“Yes, indeed, it is taxpayers money that feeds us people in the gov’t., just like you and me.
Kaya the people don’t deserve to read negative comments just like “oust duterte”.
Constructive criticisms are welcome and this msg refers to our own employees in DENR.”
“We are not curtailing freedom of speech by our move. We are just reminding our people that we should adhere to Republic Act 6713 or the Code of Conduct for the Government Employees and Public Officials.”
“And since you came up with “#shunga” salitang kolokyal na ibig sabihin ay TANGA. Yung tanong n’yo po sa Twitter kung “SAAN KA MAG GRADUATE?” ayusin ko lang po Madam, it should be… “SAAN KA BA NAGTAPOS?” or
SAAN KA BA NAG GRADUATE?” And with due respect my hashtag for you Madam Commissioner is…”
Sinabi ni Antiporda na kung mayroon mali ay maaaring magsampa ng kaso si Guanzon at sasagutin niya ito sa korte. Mas maganda umano ito kumpara sa pagsagot niya sa twitter.