Rotating (irritating) brownout

Lito Bautista, Executive Editor

NAGBABALIK ang mga alaala ng mahahabang brownout noong patapos na ang termino ni Corazon Aquino at kauumpisa pa lang ng panunungkulan ni Fidel Ramos. Ngayon, merong rotating brownout. Irritating brownout yan.

Ganyan talaga ang nangyayari kapag ang elektrisidad ay iniaasa sa gatong na langis at tubig. Kapag dumami ang tao sa mundo, di na sapat ang imbak na langis at tubig. Ang langis at tubig, tulad ng pera, ay nauubos.

Kung itinuloy lamang ang Bataan Nuclear Power Plant, na may garantiya naman ng Westinghouse sa Amerika, di sin sana’y wala tayong irritating brownout. Pinahinto ang planta nukleyar dahil may poot si Aquino kay Marcos. Ginatungan na lang ng kung anu-anong kuwento ng kurakot at pandarambong para mas lalong mahinto at huwag nang buksan ang planta, pero, ipinasa ni Aquino sa mahihirap ang pagbabayad nito sa Amerika.

Ganyan talaga kapag pinairal ang poot, at hindi ang pagmamahal sa bayan at susunod na henerasyon.

BANDERA, 030210

Read more...