4 tulak, ECQ violator tumba sa pulisya

APAT na drug suspects at isang lumabag sa enhanced community quarantine ang napatay sa magkakahiwalay na police operation sa Bulacan.

Noong Sabado ng gabi, napatay si

Virgilio Santos matapos siyang magbenta ng droga sa Caingin Bypass road sa San Rafael.

Nasawi naman sa shootout sina Reynaldo Bagtas at Franco Pantua noong Abril 16 sa Brgy. Sto. Cristo sa San Jose del Monte City.

Dalawang araw bago iyon, napatay ng mga pulis si Vergel Hernandez Laude sa Brgy. Upper Bigte sa Norzagaray.

Tinangka namang tumakas aa checkpoint ang di-nakilalang rider sa San Ildefonso kaya binaril ng mga nagmamandong pulis noong Marso 24.

Read more...