WALANG dapat ikatakot o ipangamba ang mga taong may kapamilyang frontliners.
Yan ang pahayag ng young singer-actor na si Darren Espanto sa gitna ng patuloy na pakikipaglaban ng buong mundo sa COVID-19 pandemic.
Parehong frontliners sa Canada ang magulang ni Darren at naniniwala siya na mananatili silang ligtas hangga’t sinusunod nila ang quarantine protocol sa loob ng bahay.
Nasa Canada ngayon ang binata kasama ang kanyang pamilya. Doon na siya inabutan ng lockdown kaya hindi na siya nakabalik ng Pilipinas.
Sa panayam ng MYX Philippines, naikuwento ng Kapamilya singer ang kundisyon ng kanyang pamilya roon.
“A lot of people think that it’s scary na may frontliners sa bahay niyo, ganoon. But it’s really nothing to be scared of if you know what to do.
“Kasi pag dumating sila from work, they sanitize themselves and also diretso sila naliligo, so yeah it’s something that they definitely have to get used to.
“Kahit kapag naggo-groceries din, pagdating ng bahay, sina-sanitize muna namin sa door pa lang,” kuwento ng binata sa nasabing interview.
At kahit nasa bahay, talagang istrikto nilang sinusunod ang social distancing.
“Ako talaga hindi ako ‘yung clingy type na anak. Ma-showy na ganon I’d say it’s difficult knowing that they are risking our lives for us every day, not just my parents but all of the frontliners.
“But also for my sister not being able be as clingy to my parents as she wants to be, it’s something that we have to get used to,” aniya pa.
Kamakailan, sa kanyang Instagram account, nag-post si Darren ng litrato niya sa Canada na may caption na, “I haven’t been going near my family as much as I’d want to but it’s for the health and safety of everyone.”
Dugtong pa ng singer, “Take care and help our frontliners by staying at home as much as possible. See you guys again soon!”