MAGKAKASUNOD na lindol ang yumanig sa Batangas kanina, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Ang lindol ay volcanic o sanhi ng aktibidad ng Taal volcano.
Alas-10:36 ng umaga ng maramdaman ang magnitude 4.2 lindol. Ang epicenter nito ay tatlong kilometro sa kanluran ng bayan ng Mabili at may lalim na 10 kilometro.
Nasundan ito ng magnitude 2.9 alas-10:44 ng umaga at magnitude 3.2 alas-10:54 ng umaga.
Alas-11:06 ng umaga ng maramdaman ang magnitude 4.5 lindol. Ang epicenter nito ay tatlong kilometro sa kanluran ng Mabini at may lalim na pitong kilometro.
Nagdulot ito ng Intensity II paggalaw sa Bauan at Intensity I naman sa Agoncillo, Lemery at Taal.
Alas-11:19 ng umaga naman ng maramdaman ang magnitude 4.6 lindol sa Mabini. Nagdulot ito ng Intensity III sa Bauan; Intensity II sa San Nicolas at Taal, at Intensity I sa Agoncillo, Lemery, at Calatagan.
Nasundan ito ng magnitude 3.8 lindol alas-11:22 ng umaga, magnitude 3.3 alas-11:49 ng umaga, magnitude 2.0 alas-11:50 ng umaga, magnitude 4.0 alas-11:51 ng umaga at magnitude 1.3 alas-12:24 ng tanghali.