FULL-SUPPORT ang mga kaibigan at kapwa artista ng Biyahe ni Drew at AHA! host na si Drew Arellano sa kanyang online charity event.
Tinawag niyang “Drew’s Closet” ang nasabing initiative kung saan nagpapa-auction siya ng kanyang pre-loved items sa pamamagitan ng Facebook Live.
Ang proceeds ng sale ay mapupunta sa charity na tumutulong sa mga taong apektado ng COVID-19 pandemic.
Sa unang episode nito, ang fellow actor at athlete na si Matteo Guidicelli ang nakasama ng Kapuso star sa pagbebenta ng items na mostly ay triathlon memorabilia.
Sa sumunod na “Drew’s Closet”, ang kaibigan at kapwa motorcycle enthusiast naman ni Drew na si Jericho Rosales ang nakibahagi sa nasabing online charity event.
Ilan sa mga ibinenta ni Jericho ang mga motorcycle gear na napamahal na rin sa actor.
Nakatutuwa na sa pamamagitan ng ganitong activities ay nagkakaroon ng pagkakataon ang celebrities na magkaisa at magtulungan para sa isang magandang gawain.
Sabi ni Drew sa kanyang naunang post, lahat naman daw tayo ay nais makatulong sa mga apektado ng COVID-19.
“I am gonna be selling preloved stuff online from my office which actually looks like a closet that is why I’m calling it Drew’s Closet.
“100% goes to charity. I will probably be thinking which charity to choose but we’ll cross the bridge when we get there.
“I kinda decided to do this, a crazy idea, a simple one but hopefully effective. I am gonna be selling preloved stuff online from my office which actually looks like a closet that is why I’m calling it Drew’s Closet,” post ni Drew sa kanyang IG.