PINAIYAK ni Willie Revillame si Cabinet Sec. Karlo Nograles nang ipapanood nito ang tribute para sa frontliners sa on-line episode ng Wowowin last Tuesday.
Hindi naman ipinagkaila ni Sec. Karlo na naantig siya sa napanood niyang video kaya after nito ang tanging nasabi niya sa TV host-comedian, “Pinaiyak mo ako, huh!”
Si Sec. Karlo rin kasi ang spokesperson ng Inter-Agency Task Force para iulat sa mamamayan ang mga desisyon at kautusan ni Presidente Rodrigo Duterte kaugnay ng ipinatutupad na enchanced community quarantine sa bansa.
Lumabas ang pagiging normal na tao ni Sec. Nograles na kapag nagri-report on national television ay composed at chill lang.
Gusto rin siya ng publiko dahil maayos ang bawat paliwanag niya sa COVID-19 updates.
Pakiusap lang niya lagi ay makipagtulungan sa ating Presidente upang mapigil at matapos na ang paglaganap ng pandemic na COVID-19 sa bansa.
Samantala, patuloy ang live online episode ng Wowowin ni Willie para makatulong sa ating kababayan na apektado ang buhay dala ng virus.
* * *
Sama-sama at tulung-tulong ang Kapuso stars sa pagre-repack ng food supplies para sa mga beneficiaries ng ‘
Project RICE Up, ang proyekto ng GMA Artist Center kasama ang GMA Kapuso Foundation.
Ipinakita ni Myrtle Sarrosa sa kanyang Instagram post ang kanilang pagre-repack kahapon na ginawa sa GMAKF warehouse.
“Helping out in our own little way. Thanks again for everyone who donated to the Rice Up Project and to Kapuso Foundation through our previous posts.
“You can make sure that all your donations will reach those who are in need right now. With this we can help so many people. Thank you so much!” aniya.
Ang iba pang artistang present sa repacking ng relief goods ay sina Martin del Rosario, Ashley Ortega, Radson Flores, Anna Vicente, Shayne Sava, Lexi Gonzales, Anthony Rosaldo at Dave Bornea.