Ekonomiya pwede buhayin, pero namatay sa COVID hindi na–Cayetano

“Pwede mong buhayin ang ekonomiya, pero hindi pwedeng buhayin ang namatay sa coronavirus disease 2019.”

Ito umano ang kailangang balansehin ng gobyerno sa pagdedesisyon kung ano ang susunod na hakbang matapos ang Enhanced Community Quarantine sa Abril 30.

“But at the same time, hindi ka pwedeng iligtas sa virus, mamatay ka naman sa gutom,” ani House Speaker Alan Peter Cayetano.

Sinabi ni Cayetano na binubuo na ng Kamara de Representantes ang panukalang Philippine Economic Recovery Act (PERA) upang mabilis na umunlad ang ekonomiya.

Ang PERA ay pinagsamang panukala nina House committee on ways and means chairman at Albay Rep. Joey Salceda (National Stimulus Strategy Act) at Marikina Rep. Stella Quimbo (Economy Moving Forward as One Act).

Sinabi ni Cayetano na nakadepende sa desisyon ng Pangulong kung ano ang magiging setup ng sesyon sa pagbubukas nito sa Mayo 4.

“Kung naka-enhanced community quarantine pa, and we’re in Metro Manila and Quezon City specifically, maaaring online pa rin ‘yung aming gagawin na session. We are playing it by ear and waiting for the President’s announcement ‪on April 30‬,” ani Cayetano.

Kumpiyansa naman si House Majority Leader Martin Romualdez na agad na makababangon ang bansa kung magtutulungan.

“We continue to believe that with hard work, perseverance, and cooperation in the support for our people, we can work our way back to stability and normalcy even as we plan the future according to the lessons we have learned during the most difficult and challenging time,” ani Romualdez.

Read more...