MAY drive thru na ng coronavirus disease 2019 testing sa Taguig City.
Ayon kay Mayor Lino Cayetano ang mga residente na natatakot o hirap pumunta sa mga testing centers pero mayroong sasakyan ay maaaring dumaan sa drive-thru testing ng lungsod para makuhaan ng swab sample.
Ang serbisyong ito ay nasa Bonifacio Global City sa Brgy. Fort Bonifacio at Taguig Lakeshore sa Brgy. Lower Bicutan.
“With these approaches, we are making COVID-19 testing more accessible to Taguigeños,” ani Cayetano. “In doing this, we are capturing the real breadth of COVID-19 infections in the city, normalizing testing and taking away the stigma around the infection.”
Ang lungsod ay mayroon ding deployment ng mobile team ng health workers na pumupunta sa mga bahay para kumuha ng swab sample ng mga posibleng nahawa ng sakit.
“Many experts have seen increased COVID-19 testing as an effective tool to decrease transmissions and more effectively treat those infected. We are heeding their suggestions,” ani Cayetano.
Magsasagawa rin ng pagsasanay ang lungsod para magkaroon ng kakayanan ang mga tauhan ng 31 health center at tatlong Super Health Centers na kumuha ng swab sample.
“Moreover, at the end of the enhanced community quarantine (ECQ), we will have capacitated more of our health workers to safely handle possible cases and lead the process of testing,” dagdag pa ng alkalde. “The new skill would immensely help us in the foreseeable future where COVID-19 is a notifiable disease, or a disease that should be immediately reported and managed.”