NIYANIG ng magnitude 4.6 lindol ang Leyte kanina.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-5:43 ng umaga. Ang epicenter nito ay 10 kilometro sa kanluran ng Saint Bernard.
May lalim itong tatlong kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Nagdulot ito ng Intensity IV sa Saint Bernard, Southern Leyte.
Intensity III naman sa Anahawan, Hinunangan, Hinundayan, San Juan at Sogod, Southern Leyte.
Intensity II naman sa Liloan, Southern Leyte.
MOST READ
LATEST STORIES