MAY tatlong programa na ang Disaster/Emergency Assistance and Relief (DEAR) Program ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para matulungan ang freelance audio-visual (AV) content workers na apektado ng COVID-19 pandemic.
Pagkatapos ilunsad ang DEAR ACTION! para sa freelance AV content workers at DEAR PRESS! para sa freelance entertainment press members, ipinatupad na rin ng FDCP ang DEAR LIVE! para sa freelancers sa AV live performance sector.
Layunin ng DEAR LIVE! (For Displaced Freelance AV Live Performance Workers) na magbigay ng P5,000 o P8,000 bilang tulong pinansyal sa apektadong freelancers sa iba’t ibang larangan ng industriya ng AV live performance, tulad ng performing arts, events, gigs, at shows.
Sila ang talents at performers (mga aktor, mang-aawit, mananayaw, musikero, etc.), production staff (backstage, floor, front of the house, etc.), at technical crew (stage, camera, sound, at production) na biglaang nawalan ng trabaho bilang direktang resulta ng COVID-19 na krisis.
Ang kwalipikadong aplikante ng DEAR LIVE! na may mas mababa sa limang kanselado o suspendidong araw ng trabaho mula sa araw ng deklarasyon ng state of calamity ay bibigyan ng P5,000 bilang tulong pinansyal habang ang mayroong limang kanselado o suspendidong araw ng trabaho ay tatanggap ng P8,000.
Ang kailangang bilang ng araw ng trabaho ay dapat bahagi ng isang scheduled event (pre-production, production, o post-production) o umabot sa limang (o mas mababa rito) engagement, show, performance, o project, basta ito ay para sa pampublikong entertainment dahil ang mga pribadong kaganapan ay hindi tatanggapin.
Ang Freelance AV live performance workers na naranasan ang kahit na anong sitwasyon sa mga sumusunod ay maaaring mag-apply para sa DEAR LIVE! Program:
1.) Nakatakda kang magtrabaho pero hindi ka nakarating sa lugar ng trabaho.
2.) Nakatakda kang simulan ang trabaho pero ito ay nakansela o wala na ito.
3.) Nagkasakit ka o nagkaroon ng injury kaya hindi ka na nakapagtrabaho.
4.) Ang iyong employer o producer ay pansamantalang nagsara, o ang place of business ay permanenteng nasira o nawasak.
5.) Nasimulan mo na ang trabaho, pero nakansela o ipinagpaliban ito.
Bukod pa rito, ang mga aplikante ng DEAR LIVE! ay dapat may “no work, no pay” status. Dapat wala rin silang direktang employer at hindi sila kwalipikadong makatanggap ng benefit payments mula sa kanilang pamahalaang lokal o sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Social Security System (SSS).
Paliwanag ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño-Seguerra, “Ang DEAR LIVE! ay tulong ng gobyerno para sa freelance workers natin na hindi qualified sa existing programs ng DOLE at DSWD. The audio-visual industry is quite unique because it is composed of both formal and informal sectors.
“The goal of DEAR LIVE! is to cover workers who are not eligible for DOLE’s CAMP (COVID-19 Adjustment Measures Program) because they do not have direct employers and those who do not qualify for the DSWD Social Amelioration Program because of their income brackets.
“FDCP still considers them as among the most vulnerable right now because they lost work due to COVID-19.”
Kapag natugunan na ang lahat ng mga kwalipikasyon, kailangang ipasa ng mga aplikante ang mga kailangang dokumento para masuportahan ang kanilang DEAR LIVE! claim. Bisitahin ang official website ng FDCP para sa karagdagang impormasyon.