Ivana: After masaktan sa ex ko, hindi ko na ibibigay agad ang puso ko

MATINDING kilig talaga ang ibinigay ng tambalang “LooVana” sa madlang pipol nang magharutan at magtuksuhan sila sa kanilang mga video vlog.

Kahit biro-biro lang para sa Kapamilya sexy star na si Ivana Alawi at internet sensation-choreographer DJ Loonyo ang kanilang paglalandian ay marami silang pinakilig at pinasaya sa social media.

Sa latest YouTube entry ni Ivana, natanong siya kung ano ba talaga ang status ng relasyon nila ni DJ Loonyo. Bago sumagot, tinawagan muna ng dalaga ang binata na walang kaalam-alam na recorded pala ang video call.

“Ano’ng meron sa atin?” diretsong tanong ni Ivana sa kanya. Pero dahil sa naging reaksyon ng kapatid niyang si Mona Louise Rey ay nabuking ni DJ Loonyo na isa na naman itong prank call.

Pagkatapos nito, sumeryoso na si Ivana at inisa-isa ang dahilan kung bakit ayaw pa niyang magkaroon ng dyowa ngayon.

“Para sa akin, wala namang masama na magkaroon ka ng special someone, or someone na magpapasaya sa ‘yo araw-araw in small ways,” simulang pahayag ng dalaga.

Pagpapatuloy pa niya, “Sobrang naa-appreciate ko si DJ Loonyo kasi ang dami kong natututunan sa kanya. Sobrang bait niya at sobrang nakaka-inspire siya, hindi lang sa akin, kung hindi sa maraming tao.” 

Nang dahil sa pinagdaanang heart break sa huli niyang boyfriend, mas marami pa siyang natutunan sa buhay at pakikipagrelasyon.

“Sobrang maingat ako ngayon sa puso ko, so hindi siya porke’t kinikilig ako nang kaunti, ibibigay ko na agad ang puso ko. 

“I think process siya. Kailangan na ma-feel ko na, ‘Ay, gusto ko na ang taong ‘to.’ At gusto rin niya ang pamilya ko,” aniya pa.

Sa isa niyang vlog, ipinakita ni Ivana ang butterfly tattoo sa likod niya na sumisimbolo raw sa muli niyang pagkabuhay matapos wasakin ng dati niyang boyfriend ang kanyang puso.

Lahad ni Ivana, “Oo, kikiligin ako. Oo, magiging open pa rin ako sa mga manliligaw, pero hindi ko agad ibibigay buong puso ko.

“Siguro, ligawan mo muna ako, ligawan mo muna ang pamilya ko, and then we’ll see. I think my heart is too broken to just give it away again,” ang pahayag pa ng sexy actress- vlogger.

Read more...