Mga eksperto kay Duterte: Luzon-wide lockdown wag nang ipatupad pagkatapos ng Abril 30

President Duterte

SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inirekomenda ng mga eksperto kay Pangulong Duterte na wag nang magpatupad ng total lockdown sa buong Luzon pagkatapos ng Abril 30, bagkos ay targetin na lamang ang mga lugar na pasok sa “outbreak threshold” ng coronavirus disease (COVID-19).

“I would say that there was almost as consensus na ang ECQ (enhanced community quarantine) eh hindi naman dapat ipatupad sa buong Luzon. Ito po ay by way of recommendation, na depende sa dami ng kaso, eh pupuwede nga pong as is, i-relax or i-lift ang ECQ,” sabi ni Roque.

Ito’y matapos namang makipagpulong si Duterte sa mga dating kalihim ng Department of Health (DOH) at iba pang dalubhasa para hingin ang kanilang suhestiyon kaugnay ng pagtatapos ng ECQ sa Abril 30.

“Wala pong desisyon at hindi po nagsalita ang Presidente. Ang sabi nga po ng Presidente eh ang kaniyang desisyon may come today or it may come on Abril 30 kasi kung anuman ang desisyon niya baka ang mga tao ay lumabas sa kanilang mga bahay. Pero ang malinaw nga po ay wala pong nag-recommend na ang ECQ ay ipatupad sa buong Luzon. Sinasabi lang po nila, kinakailangan i-relax or i-lift doon sa mga areas na wala namang madaming kaso ng COVID-19,” ayon pa kay Roque.

Idinagdag ni Roque na kabilang sa mga lugar na posibleng masakop pa rin ng lockdown dahil kabilang sa “outbreak threshold” ay ang Metro Manila, Cebu, Davao, Calabarson area at bahagi ng Bulacan.

 Well, ang opinion po ng dalubhasa, at mukha namang mayroon ding consensus dahil mayroon pong outbreak sa NCR, ay mukhang candidate po siya. Ang pinag-uusapan na lang anong basehan? Ang suhestiyon ng private sector on a barangay basis, ang suhestiyon ng ilan sa IATF buong Metro Manila. Pero hindi lang naman po Metro Manila ang pinag-uusapan, nandiyan din po ang Cebu City, nandiyan din po ang Davao City,” dagdag ni Roque.

I stand corrected…it’s not just NCR. It’s also Calabarzon and portions of Bulacan,” paglilinaw ni Roque.

Inaasahang magdedesisyon si Duterte bago ang nakatakdang pagtatapos ng lockdown sa Abril 30.

 

Read more...