PH dapat matuto sa karanasan ng Singapore sa COVID-19–Galvez

Secretary Carlito Galvez, Jr.

SINABI ni COVID-19 czar Carlito Galvez, Jr. dapat matuto ang Pilipinas sa naging karanasan ng Singapore sa harap naman ng nakatakdang pagtatapos ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Abril 30.

“Sa usapin naman po ng extension ng ECQ, mas mainam na pumulot ng aral sa mga naranasan ng ibang bansa. Tulad ng  sa Singapore at iba pang lugar,” sabi ni Galvez.

Idinagdag ni Galvez na mula sa 266 kaso ng coronavirus disease noong Marso 17, umabot na ang kaso ng COVID-19 sa Singapore sa halos 6,000.

“Noon lang nakaraang buwan ay hinirang ito dahil sa pagkakaroon ng isa sa mga pinakamahusay na sistema kung paanong epektibong harapin at pigilan ang pagkalat ng COVID-19. Ngunit dumating ang tinatawag na second wave of infections sa bansa,” sabi ni Galvez

Idinagdag ni Galvez na bagamat  nagpatupad ng mass testing at social distancing sa Singapore, hindi naman nagdeklara ng ECQ o lockdown sa naturang bansa.

“Sinasabi ng mga eksperto na ito marahil ang isa sa mga dahilan ng mabilis na pagtaas ng rate of new infections,” ayon pa kay Galvez.

“We cannot rush into normalcy. Kailangan, dahan dahan at calibrated ang ating mga hakbang,” giit pa ni Galvez.

 Inaabangan na ang magiging desisyon ni Pangulong Duterte kaugnay ng pagtatalos ng lockdown. 

 

 

Read more...