Bago palayain, preso i-COVID test muna

BAGO palayain dapat ay sumailaim muna sa COVID test ang mga low risk at vulnerable detainees na palalabasin para lumuwag ang mga kulungan.

Ito ang sinabi ni Quezon City Rep. Precious Castelo matapos na maglabas ng abiso ang Korte Suprema sa mga mababang korte na bilisin ang pagproseso sa mga nakakulong na maaari ng palayain.

“The government should determine if the prisoners to be released are coronavirus carriers or not. If they are and are sent home, they can spread the virus to their families and the community,” ani Castelo.

Nauna rito ay napaulat na nahawa ng COVID ang ilang preso sa Quezon City Jail at sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City.

“If the detainees are carriers, they should be immediately isolated and treated,” saad ng lady solon. “Contact tracing should also be done to identify persons the detainees have interacted with so they could be quarantined.”

May mga nananawagan ng pagpapalaya sa mga piling preso para mapaluwag ang mga kulungan.

Suportado ni Castelo ang rekomendasyon na ito ng House committee on justice.

“They should be monitored for any manifestation of the disease so they can be promptly quarantined,” saad ng lady solon.

Read more...