HINILING ni Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong na payagan na ang gaming operation ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ayon kay Ong malaking pondo ang sa gobyerno sa pagsasara ng mga laro ng PCSO at kung hindi umano maaari ang mga laro gaya ng Scratch-it at Small Town Lottery, posibleng gumawa ng mobile lottery games ang PCSO upang makalikom ito ng pondo.
“Interactive and mobile lottery games can actually be very timely at this time because of the ECQ. Many people are in their homes doing nothing. Instead of wasting money on some online games to fight boredom, they can actually support PCSO lotteries as their way of contributing in the war effort against this unseen enemy,” ani Ong.
Ayon kay Ong umaabot sa P3.75 bilyon kada buwan o 125 milyong kada araw ang nawawalang kita ng PCSO sa pagtigil ng gaming operation nito dahil sa ECQ.
“Even if we can only generate half of the P3.75 Billion monthly revenue of the PCSO, we will be able to provide adequate relief of a lot of communities especially in areas which are on full lockdown. Let us be realistic about the ECQ. Most of the people take their chances outside their homes because they have no food to eat,” ani Ong.
Maaari umanong gumawa ng interactive o mobile app ang PCSO kung saan maaaring tumaya ng Sweepstakes, Scratch-it at iba pang laro nito.
Pwede umanong kumolekta ng taya gamit ang credit card, Paypal o virtual wallets katulad ng G-Cash, SmartCash, PayMaya at WeChat.
Iginiit naman ni Ong na dapat tiyakin ng PCSO ang security ng mga gagawin nitong mobile app upang masiguro na hindi ito maha-hack o walang magaganap na online fraud.