Paggawa ng ipamimigay na nutribun puspusan

PUSPUSAN ang paggawa ng nutribun ng San Miguel Foods Inc., para mas maraming mahihirap ang mabigyan.

Mula sa 10,000 buns kada araw, nakagagawa na ang San Miguel Foods Inc., ng 24,000 buns.

Ayon kay SMC President Ramon Ang mahalaga na matulungan ang mga mahihirap upang hindi magutom ang mga ito.

Ang bagong ready-to-eat food manufacturing facility sa Sta. Rosa, Laguna at Flour Development Center sa Ugong, Pasig ay nakagawa na ng 284,171 piraso ng nutribun bukod pa sa 177,808 piraso ng pandesal.

Ang bawat nutribun ay tumitimbang ng 85 gramo at may taglay na 250 calories.

Ang mga tinapay ay ibinigay ng kompanya sa 45 komunidad sa Metro Manila at mga karatig probinsya at ilang organisasyon.

Read more...