NIYANIG ng magnitude 3.6 lindol ang Sarangani kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-3:27 ng umaga.
Ang epicenter nito ay 40 kilometro sa kanluran ng bayan ng Maasim. May lalim itong 37 kilometro.
Nagdulot ito ng Intensity I sa Kiamba sa Sarangani at General Santos City.
MOST READ
LATEST STORIES